TPAM/Yokohama 2017 <1: s p a c e s > for HABI
Published by Nessa Roque,
Hello Habi!
Ang post na ito ay para ibahagi sa inyo ang mga naranasan at natutunan noong umalis ako papuntang Japan para sa Sipat Lawin Ensemble, ang aming performance collective. Hindi directly related sa Habi o sa education ang ibabahagi ko pero may pakiramdam lang ako na OK pa ring ibahagi ito sa inyo dahil sa kabuuan, tungkol ito sa creative communities, at ang Habi ay isa ring creative community. <3
Nag-present ako sa Asian Dramaturgs’ Network which was hosted by TPAM (Performing Arts Meeting Yokohama). Ang TPAM ay isang contemporary performance festival na maraming conferences, meetings, performances, gatherings, atbp.
Insert photo para hindi boring yung blog LOL:
Ang entry na ito ay tungkol sa SPACES:
- The Cave / Sangatsu
- Koganecho Area Management Center
- Engeki Quest
19.02 THE CAVE / SANGATSU
Ito ang The Cave, isang space ng kaibigang artist na si Natsuki Ishigami. It's a basement located in one of the oldest shopping districts in Yokohama. Ang ganda ng location ng The Cave, dahil literal siyang underground at resistant sa (capitalist) space kung nasaan siya. Isa itong cafe/inuman space most of the time pero nagiging performance venue ito during special occasions.
Entrance to the basement is that small door sa gitna. Medyo hindi siya makita. Haha.
Isa sa pinakanagustuhan kong performance ay ang “Catch and Throw" ng Sangatsu, a band that collaborates with Toshiki Okada, maaaring ang pinakamahalagang contemporary theater director sa Japan ngayon. Nakapanood na rin ako ng performance ni Okada noong August 2016 sa Okinawa. Nagustuhan ko ang trabaho niya kaya sinigurado kong makakanood ako ng Sangatsu.
Had the best time. May wine at pagkain (donation) during the show. Sakto yung The Cave as venue. Yung performance, may pa-installation ng kung ano-anong instruments at objects. "Catch and Throw" ang title dahil naglalaro yung musicians at may sarili silang rules and through these codes and games sila bumubuo/nagpeperform ng music. Sorry di ko masyadong ma-explain. Ayon sa kanilang Facebook, ipopost daw nila ang video soon. Update ko kayo.
Here's a short clip of what they do [5 seconds]:
And here's a short description of their performance. Binigyan din nila ako ng kopya ng kanilang CD. Yung ibang tracks parang puwede natin gamitin as music during workshops. :) At may pakiramdam ako na yung method nila of performing music ay puwedeng gamitin sa workshops, either for ice breakers o iba pang team building activities.
20.02 KOGANECHO AREA MANAGEMENT CENTER
Nabalitaan ko ang Koganecho Area Management Center (KAMC) sa mag-asawang sina Mayumi Hirano at Mark Salvatus ng 98B Collaboratory sa Escolta. Sa KAMC nag-residency si Mark Salvatus noon at doon niya mismo nakilala si Mayumi. Personal visit ito na hindi bahagi ng TPAM.
Mindblown ako sa KAMC. Ang Koganecho ay may mabigat na history bilang space/place dahil dati itong prostitution area na nasa ilalim at gilid ng tren. Noong napasya ang community with the local government na tanggalin ang lahat ng brothels na kontrolado ng mga Yakuza, biglang nagkaroon ng maraming abandoned buildings/spaces.
Nagpasya ang local govt na i-convert ang spaces na ito into an art area para magkaroon ng bagong spirit at image ang Koganecho. Interesting kasi horizontal yung development ng spaces at hiwa-hiwalay sila (as opposed to vertical development of museums and other art centers as buildings). So minsan may mga bahay sa pagitan ng spaces na minamanage nila. Ibig sabihin watak-watak yung galleries and offices, pero dahil doon ay naka-incorporate sila sa ibang spaces ng community. (Pero primarily visual art ang programming dito.) It’s a very interesting study of creating creative and critical communities.
Check this page from their website to learn more about how they planned the area WITH the community.
And here's a short video of what they do [5 mins] ❤️
NPO from koganecho bazaar on Vimeo.
Finally, before leaving, ipinakita sa amin ang isang prostitution house which they kept exactly the way they found it. Nagpasya ang director ng Koganecho Area Management Center na i-keep ito bilang reminder sa history ng lugar. Hindi ito open sa public dahil masyado pa raw masakit ang alaala ng lugar na ito para sa community.
Pinasok namin ang mga kuwarto/tulugan which they left untouched. This is the way it was left behind in a hurry. Medyo intense at mabigat ang hangin sa loob. Malamlam ang ilaw. Lahat ng lumang gamit ng mga prostitutes ay nandoon. Mga damit nila, stuffed toys, maraming maraming stuffed toys, mga sapatos. Maalikabok at kulob, at medyo nagdi-disintegrate na rin dahil hindi naman nililinis o inaayos ang lugar na ito. Hinahayaan lang din nilang maluma ito ng panahon. //
Ayon kina Mark at Mayumi, naging inspirasyon nila ang Koganecho Area Management Center sa pagbuo nila ng 98B Collaboratory.
21.02 ENGEKI QUEST
What is Engeki Quest?
This is the series of flaneur style tour-project. Guided by the “Adventure Book" with some instructions, the audience walk around freely in a large field as a stranger, and encounter dreams, lives, and ethos of people, histories of the city, words of ghosts, and “genius loci" on the land…etc.
From: http://bricolaq.com/?page_id=33
Ang Engeki Quest ay hindi bahagi ng TPAM 2017. It was part of TPAM 2015. Ang ganda kasi nagta-transcend ng time Engeki Quest. Walang anumang festival na "nagmamay-ari" nito, kailangan mo lang ng guidebook at puwede ka nang magsimula. Si Chikara Fujiwara, ang artist na gumawa ng Engeki Quest, ay isang kaibigan. Doon kami nag-stay sa bahay niya noong nasa Japan kami.
Maaari niyong silipin ang aming mga picture dito, pati na rin ang ibang detalye tungkol sa Engeki Quest: ttp://bit.ly/2lDRXtl
Pero ito ang ilan sa mga paborito ko 😃
Pang-profile photo LOL.
Ayun lang po muna dahil mahaba na.
Tingin ko ito na po ang highlights ng aming trip. Sana makagawa rin ako ng entry tungkol sa mga performances na napanood sa TPAM at sa naging takbo ng Asian Dramaturgs Network.
Maraming salamat sa pagbabasa at sana makachikahan ko kayo sa mga bagay na ito kapag nagkaroon ng oras.
xoxo
ness