TPAM/Yokohama 2017 <1: s p a c e s >

Hello Sipat loves!!!
Ang post na ito ay para sa Sipat at para sa akin na rin. Excited akong ibahagi sa inyo ang mga naranasan at nakilala sa Yokohama sa loob at labas ng TPAM. Pagsasanay ko rin ito sa articulation at pagcholeric sa disiplina ng pagtatala.
Ang unang entry sa serye na ito ay tungkol sa SPACES:
  • The Cave / Sangatsu
  • Koganecho Area Management Center
  • Engeki Quest
Medyo mahaba-haba pero sana ma-enjoy ninyo. πŸ˜ƒ
Maraming salamat, Sipat Lawin, sa lahat ng ating nililikha at sa pagkakataong ito. ❀️



19.02 THE CAVE / SANGATSU

Hay! In love ako sa The Cave, ang space nina Natsuki na nagbukas noong October.
It's a basement located in Isezaki Mall, one of the oldest shopping districts in Yokohama. Isezaki Mall is like BGC's High Street, it's not a building but a street with shops and restos. So ang ganda ng location ng The Cave, at literal siyang underground at resistant sa space kung nasaan siya.
Entrance to the basement is that small door sa gitna. Medyo hindi siya makita. Haha.


Dito rin noon nag-present si Kuya Jk tungkol sa Karnabal. ❀️


Masayang masaya si Natsuki dahil ang The Cave ay naging performance space para sa TPAM Fringe. Unang beses nilang mag-host ng maraming sunod-sunod na perfs. Below is Natsuki's post about SANGATSU, isa pang love ko. Huhu.


Sangatsu is a band that collaborates with Toshiki Okada, maaaring ang pinakamahalagang contemporary theater director sa Japan, ayon kay Chikara-san. Note that Riki Takeda was part of Toshiki's company called "chelfitsch". Sila ang kasama ni Riki noong nag-perform siya sa PETA noong 2010. Nakatrabaho na rin ni Riki ang Sangatsu thru chelfitsch.
Nakapanood ako ng show ni Toshiki noong 2016 sa ricca*ricca festa sa Okinawa at na-meet ko rin siya doon. Baliw, suryal, matalino at masaya yung show nila for kids (See: Wakatta-san’s Cookies).
Anyway so nanood ako ng Sangatsu dahil una, music music at banda bandang performance sa The Cave, at pangalawa, dahil collaborator sila ni Toshiki.
Had the best time. Kasama namin si Chikara-san. May wine at pagkain (donation). Venue was the best for the performance. Yung show, may pa-installation sila ng kung ano-anong instruments at objects. "Catch and Throw" ang title ng show dahil naglalaro sila at may sarili silang rules and through these codes and games sila bumubuo/nagpeperform ng music. Sorry di ko masyadong ma-explain. Ayon sa kanilang Facebook, ipopost daw nila ang video soon. Weeee! Update ko kayo.

Here's a short clip of what they do [5 seconds]:

And here's a short description of their performance. Binigyan din nila ako ng kopya ng kanilang CD at meron tayong calling card nila hehe.





20.02 KOGANECHO AREA MANAGEMENT CENTER


Nabalitaan namin ang Koganecho Area Management Center sa mag-asawang sina Mayumi Hirano at Mark Salvatus ng 98B Collaboratory sa Escolta. Doon nag-residency si Mark at doon niya mismo nakilala si Mayumi. Hehe. Si Mayumi ang nag-encourage sa amin na bumisita sa dati niyang office. Hindi ito bahagi ng TPAM.
Mindblown ako sa kanila. Ang lugar ng Koganecho ay may mabigat na history dahil dati itong prostitution area na nasa ilalim at gilid ng tren. Noong napasya ang community at ang local government na tanggalin ang lahat ng brothels, biglang nawalan ng laman ang mga building at spaces.
Nagpasya ang local govt na i-convert and spaces na ito into an art area para magkaroon ng bagong spirit at image ang Koganecho. Ang interesting kasi horizontal yung development ng spaces at hiwa-hiwalay sila. So minsan may mga bahay sa pagitan ng spaces na minamanage nila, medyo watak-watak, pero dahil doon ay naka-habi sila sa ibang spaces ng community. (Pero primarily visual art ito.)






Pls pls check this page from their website to learn more about how they planned the area WITH the community.

And here's a short video of what they do [5 mins] ❀️

NPO from koganecho bazaar on Vimeo.


Finally, before leaving, ipinakita sa amin ang isang prostitution house which they kept exactly the way they found it. Nagpasya ang director ng Koganecho Area Management Center na i-keep ito bilang reminder sa history ng lugar. Hindi ito open sa public dahil masyado pa raw masakit ang alaala ng lugar na ito para sa community.
Pinasok namin ang mga kuwarto/tulugan which they left untouched. As in this is the way it was left behind in a hurry. Medyo intense at mabigat ang hangin sa loob. Malamlam ang ilaw. Lahat ng lumang gamit ng mga prostitutes ay nandoon. Mga damit nila, stuffed toys, maraming maraming stuffed toys, mga sapatos. Maalikabok at kulob, at medyo nagdi-disintegrate na rin dahil hindi naman nililinis o inaayos ang lugar na ito. Hinahayaan lang din nilang maluma ito ng panahon. //
Ayon kina Mark at Mayumi, naging inspirasyon nila ang Koganecho Area Management Center sa pagbuo nila ng 98B Collaboratory.



21.02 ENGEKI QUEST

Sa wakas, Engeki Quest sa huling araw sa Yokohama!

Ang Engeki Quest ay hindi bahagi ng TPAM 2017. It was part of TPAM 2015. Ang ganda kasi nagta-transcend ng time Engeki Quest. Walang anumang festival na "nagmamay-ari" nito, kailangan mo lang ng guidebook at puwede ka nang magsimula.
Nakakatawa na bahay mismo ni Chikara-san ang totoong starting point namin. Haha!
Nalo-lost na kami ni Ralph 15 mins into the adventure dahil meron kaming hindi mahanap.
Habang takang taka kaming tumitingin sa paligid, nagkataon na nakasalubong namin si Chikara-san! Naglalakad siya papuntang train station dahil pupunta siyang Tokyo. Buti na lang dahil naipaliwanag niya sa amin na nasunog na pala yung hinahanap namin.



Ito ang huling pagkikita namin.
Ilang beses pa kaming naligaw pero ayos lang. Ibang-iba ang pulso ng paglipas ng oras. Di ako makapaniwalang naging kaibigan natin si Chikara-san. Ang husay ng Engeki Quest. ❀️
Maaari niyong silipin ang aming mga picture dito: ttp://bit.ly/2lDRXtl
Pero ito ang ilan sa mga paborito ko πŸ˜ƒ

Pang-profile photo LOL.




Ayun lang po! Haha!
Tingin ko ito na po ang highlights ng aming trip pero abangan niyo pa rin ang susunod na entries kung saan ibabahagi ko ang karanasan sa TPAM mismo at sa Asian Dramaturgs Network.
Yakap!!!

xoxo
ness